PAG-IBIG
Tula ni Teodor Gener

Umiibig ako, at ang iniibig ay hindi ang dilag na kaakit-akit
pagka’t kung talagang ganda lang ang nais,
hindi ba’t nariyan ang nanungong langit?

Lumiliyag ako, at ang nililiyag
ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
pagka’t kundi totoong perlas lang ang hangad
di ba’t masisisid ang pusod ng dagat?

Umiibig ako’t sumisintang tunay,
Di sa ganda’t hindi sag into ni yaman.
Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan.

Ang kaligayahan ay wala sa langit
Wala rin sa dagat ng hiwang tubig
Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib na inaawitan ng aking pag-ibig.



               Si Teodor Gener ay gumawa at naglabas ng mga mahahalagang sulatin patungo sa layuning magbou ng pambansang wika ng Pilipinas. Tradisyunal siyang manunulat ng tula, tagasunod siya ni Balagtas sa pagtula subalit sa pagbabago ng panahon, nagbago rin ang anyo ng kanyang tula, sinubukan niya ang malayang taludturan. Sa pagsulat niya ng tula, nabigyan siya ng higit na karangalan sapagkat pinagkalooban siya ng gantimpala.

               Ang tulang ‘PAG-IBIG’, sa tingin koy ito’y  makatotohanan sapagkat ang tulang itoy nagpapahiwatig ng tunay na pag-ibig sa isang dilag. Hindi naman maipagkakailang na naranasan na niya ang umibig noon paman.

               Inilathala sa tula na ang tunay na pag-ibig ay hindi lang nakabase sa panlabas na anyo, hindi rin sa yaman kundi sa kagandahang loob dahil kung sa panlabas na anyo ka nakabase at sa yaman na mayroon siya, ang pag-ibig moy hindi magtatagal. Lilipas at lilipas din yan. Sabi nila, sa katunayan raw, hindi mo maipapaliwanag kung bakit ika’y umiibig sa isang tao. Magugulat ka nalang, iba na ang nararamdaman mo. Wala ka nang pake kung ano ang itsura nya, kung anong yaman ang meron siya basta ika’y umiibig ng tapat, ayos na. 

Comments