Posts

PAG-IBIG Tula ni Teodor Gener Umiibig ako, at ang iniibig ay hindi ang dilag na kaakit-akit pagka’t kung talagang ganda lang ang nais, hindi ba’t nariyan ang nanungong langit? Lumiliyag ako, at ang nililiyag ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag pagka’t kundi totoong perlas lang ang hangad di ba’t masisisid ang pusod ng dagat? Umiibig ako’t sumisintang tunay, Di sa ganda’t hindi sag into ni yaman. Ako’y umiibig, sapagkat may buhay Na di nagtitikim ng kaligayahan. Ang kaligayahan ay wala sa langit Wala rin sa dagat ng hiwang tubig Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib na inaawitan ng aking pag-ibig.                Si Teodor Gener ay gumawa at naglabas ng mga mahahalagang sulatin patungo sa layuning magbou ng pambansang wika ng Pilipinas. Tradisyunal siyang manunulat ng tula, tagasunod siya ni Balagtas sa pagtula subalit sa pagbabago ng panahon, nagbago rin ang anyo ng kan...